Sa bisa ng mga kinakailangan sa proteksyon sa data, inaatasan ang Victim Support na ipaalam sa iyo kung paano namin ipoproseso ang anumang impormasyong itinatabi namin kaugnay mo.
Nagpoproseso ang Victim Support ng impormasyon tungkol sa iyo batay sa pagsasagawa ng pampublikong tungkulin sa pagbibigay ng mga serbisyo sa mga biktima at saksi ng krimen.
Ang impormasyon ay maaaring tungkol sa iyo kasama ng mga detalye ng krimen at anumang suportang ibibigay namin sa iyo.
Gagamitin ng Victim Support ang iyong impormasyon para makatulong sa pag-usad sa anumang suportang napagkasunduan natin.
Karaniwang ibinabahagi lang ang iyong impormasyon kapag may pahintulot ang Victim Support na gawin ito at kapag nauugnay ito sa anumang suportang napagkasunduan natin, maliban kung sa palagay namin ay may panganib ng kapansin-pansing pinsala sa iyo o sa ibang tao.
Itatabi ang impormasyon nang hindi mas matagal kaysa sa kinakailangan para sa mga layunin ng pagpoproseso sa impormasyon.
Mayroon kang karapatang tumutol sa pagpoproseso ng impormasyong tungkol sa iyo.
Para sa higit pang impormasyon tungkol dito, makipag-ugnayan sa www.victimsupport.org.uk/yourdata